Balse
Pangalan din ito ng musikang ginagamit sa sayaw at nasa kompas itong 3/4.
Nagsimula ang sayaw na balse sa landler ng mga Austriyano noong mga 1800. Sinasabing ginulat nito ang mga konserbatibong tao noon dahil sa bilis ng pagkakasayaw at sa pormang halos magkayakap ang magkapareha.
Maraming bersiyon ang nabuo mula sa balse paglipas ng ilang siglo. Isa na rito ang Viennese waltz na pinauso ng mga kompositor ng mga Strauss.
Nariyan din ang bersiyong Boston, na kilala sa padausdos nitong mga hakbang, at ang Creole waltz ng Timog Amerika, na sinasayaw na may pagpadyak at pagpapatunog ng takong.
Ipinakilala ang sayaw na ito ng mga Espanyol sa Pilipinas at naging tanyag ang Marikina sa sayaw na ito.
Ang balse marikina ay isinasayaw pagkatapos ng lutrina, na isang relihiyosong prusisyon, at sinasabayan ng musikong bumbong.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Balse "