Isa sa mga posibleng epekto ng mga pag-ulan ay pagguho ng lupa o landslide. Narito ang ilang dapat tandaan.


Landslide Safety


Bago ang Landslide: Magplano


Alamin kung landslide-prone area ang inyong lugar


Alamin ang local emergency response team at evacuation plans sa lugar


Maghanda ng emergency preparedness kit


Suriin ang inyong bahay at ang lupa sa paligid; kung may makitang bitak, ayusin o e-report ito agad sa lokal na pamahalaan


Alamin ang mga senyales na may paparating na landslide

  • May mga lamat sa masilya, tile, brick, o pundasyon ng bahay
  • Tila humihiwalay sa bahay o gusali ang pader, lakaran, o hagdan sa labas
  • Unti-unting namumuo, at lumalapad na mga bitak sa lupa o sa sementadong daan tulad ng mga lansangan at driveway
  • Humihilig ang mga bakod, retaining wall, mga poste o puno
  • May mahinang pag-ugong na lumalakas at napapansin habang papalapit na ang pagguho ng lupa


Habang may landslide


Kung nasa loob ng bahay at hindi makalikas:
manatili sa loob at magtago sa ilalim ng matibay na mesa o kama


Kung nasa labas:
umiwas sa maaari pang daanan ng landslide
magtungo sa mataas na lugar
Kung hindi makaiiwas sa daraanan ng guho, ibaluktot ang katawan at protektahan ang ulo


Kung nagmamaneho:
wag tumawid sa tulay o bahagi ng kalsada na may guho


Pagkatapos ng landslide:


lumikas at iwasan ang lugar na may guho dahil sa banta ng muling pagguho
maging mapagmatyag sa flash flood at debris flow
kung may nasaktan o nawawala. e-report ito agad sa kinauukulan
e-report kung may nasirang linya ng kuryente, tubig, at telepono


Pinagmulan: @IMReadyPH | Philvolcs


Mungkahing Basahin: