Ang bunggalo ay karaniwang bigkas na bungalow, isang uri ng bahay na may iisang palapag, karaniwang hiwalay o hindi nakadikit sa iba pang gusali, at may beranda.


Mainam ang mga bunggalo para sa mga nakatirang may kapansaann sa paglalakad. Mainam din ito dahil nasa iisang espasyo na ang lahat ng mga kailangan ng mga nakatira. Mas nagbibigay naman ng pagkakataong maging pribado ang bunggalo kaysa may dalawang palapag dahil madalĂ® itong palibutan ng halaman.


Sinasabing nagmula sa India ang katawagang bungalow at literal na nangangahulugang “bahay na may estilong Bengal.” Mula sa India, pinalaganap ito ng mga mananakop na Briton sa iba pang sinakop nilang teritoryo sa daigdig.


Bukod sa pagiging tirahan, ginagamit din ang mga bunggalo sa ibang bansa bilang opisina.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: