Ano ang Microgrid Systems Act?
Dapat mayroong kuryente ang bawat tahanan. Sa Microgrid Systems Act, mapapabilis ang pagpapailaw sa kasuluksulukan ng bansa.
In terms of electrification, meron tayong batas na isinusulong, yung microgrid system act (Senate Bill No. 1928) kung saan gagamit tayo ng new technology (ito yung microgrid) na ikakabit nationwide. Gagamit ng Microgrid para maabot ang 1.6 million households na walang kuryente.(Senator Gatchalian)
Ano ang microgrid?
Ang microgrid ay isang maliit na network ng mga gumagamit ng kuryente na may isang lokal na mapagkukunan ng supply na kadalasang nakakabit sa isang sentralisadong pambansang grid ngunit nakakagawa nang nakapag-iisa.
Ano ang hadlang para makamit natin ang energy security at self-sufficiency?
Marami pa tayong hindi nagagawa, gaya halimbawa ng renewable energy, marami ang gustong mag-invest dito, maaring madaliin ito, ayon kay senador Gatchalian, simple lang naman ang gusto ng mga negosyente, gusto nila ng walang redtape at walang corruption at hayaan lang silang mag-negosyo.
Ang mga nabanggit ay ang hadlang sa hangarin ng karamihang negosyante upang mag-invest sa pag-nenegosyo sa kuryente.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Microgrid Systems Act? "