Mga dapat gawin upang mapanatiling malamig ang loob ng bahay
Tag-init na naman! Habang naka-Stay-At-Home o Work-From-Home, ano nga ba ang mga pwede nating gawin upang mapanatiling malamig ang loob ng bahay at maiwasan ang pagkakaroon ng heat stroke?
1. Bawasan ang init sa loob ng bahay. Isara at magsabit ng kurtina sa mga bintana na nakaharap at pinapasukan ng sinag ng araw. patayin ang mga hindi ginagamit na ilaw at iba pang de-koryenteng kasangkapan na hindi ginagamit.
2. Magsabit ng basang tuwalya upang palamigin ang hangin sa loob ng silid. Tandaan na ang halumigmig (humidity) ng hangin ay tumataas nang sabay.
3. Ang mga electric fans ay maaaring makaginhawa ngunit kung tumaas ang temperatura ng higit sa 35 C hindi nito mapipigil ang mga sakit na may kaugnayan sa init ng panahon. mahalaga ring uminom ng tubig kapag mainit ang panahon.
4. Kung ang inyong tirahan ay may aircondition, isara ang mga pintuan at mga bintana. Huwag mag aksaya ng kuryente upang mabawasan ang pagkakataon na maaaring magkaroon ng brownout.
Pinagmulan: @DOHgovph
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mga dapat gawin upang mapanatiling malamig ang loob ng bahay "