Biogas
Tinatawag din itong landfill gas o digested gas dahil sa pinagdaanan nitong proseso ng anaerobic digestion, isang prosesong nagaganap kapag hinahayaang mabulok ang mga dumi sa isang sisidlan, gaya ng malalaking tangke, na tinanggalan ng oxygen.
Ang biogas, katulad ng hangin at sikat ng araw, ay hindi basta-basta nauubos kaya maganda itong maging isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at koryente. Mabuting alternatibo ang biogas sa mga tinatawag na fossil fuels (gaya ng langis at uling) na unti-unti na ring nauubos.
Maaaring gamitin ang biogas bilang gasolina at panggatong. Bukod sa pagiging isang uri ng enerhiya na muli’t muling nagagamit, ang biogas ay nakakatulong din na bawasan ang lumalabas na nitrogen dioxide at methane sa kaligiran kapag hinahayaan lang mabulok sa hindi kontroladong lugar ang dumi ng hayop at sari-saring basura.
Ang naturang gas ay sanhi ng greenhouse effect dahil katulad ng greenhouse, sinasalag nitó ang pagsingaw ng init mula sa lupa papunta sa kalawakan.
Ang Pilipinas ay ginagamit na rin ang teknolohiya ng mga plantang biogas, lalo na sa mga probinsiyang maraming palayan, kulungan ng mga hayop, at iba pang industriyang kaugnay sa paghahayupan.
Importante din na gamitin ito sa mga malaking imbakan ng basura. Ang Payatas ang isa sa mga malaking tapunan ng basura sa bansa kaya ito na rin ang pinakamalaking pinagmumulan ng biogas.
Sa taong 2008, sinimulan ang proyekto ng pag-iipon ng biogas at pagsasalin nito tungo sa koryenteng nagagamit ng 3,500 pamilyang malapit sa lugar.
Noong 2010, nakatipid ang buong Lungsod Quezon ng Php 1.6 milyon sa mga bayarin sa koryente dahil sa maliit lamang na kabahayang sineserbisyuhan ng planta ng biogas. Unti-unti nang dinadagdagan at inaayos ang buong pasilidad sa pag-asang marami pang bahay sa mga karatig-bayan ang makagamit ng koryenteng galing dito.
Tinitingnan din ang posibilidad na isalin ang ibang makukuhang enerhiya sa direktang pasilidad ng Manila Electric Company (Meralco).
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Biogas "