DOMSAT
On Negosyo
Ang Domestic Satellite Philippines, Inc. o DOMSAT ang unang malaking sistema ng satellite communications sa Filipinas na nagsimula ng operasyon noong 1978. Layunin nitong paunlarin ang sistema ng telekomunikasyon sa bansa, na nagsimula noong 1966 nang sumali ang Filipinas sa International Telecommunication Satellite Consortium (INTELSAT).
Noong 1990, nabigo ang DOMSAT na ayusin ang kanilang mga obligasyon sa Philippine National Bank, kaya naipasara ang chattel mortgage nito noong 1991.
Nakianib naman ang DOMSAT sa iba pang organisasyon at kompanya upang ipadala ang kauna-unahang satelayt ng Filipinas noong 1996.
Sa pagpasok ng panibagong siglo, nasangkot ang DOMSAT sa isang kaso nang ihabla ito ng SOLAR dahil nakikialam sa operasyon ng SOLAR at tinatakot diumano ng DOMSAT ang mga ahente at guwardiya ng SOLAR na pumasok sa Antipolo Mother Earth Station.
Noong 2002, nagkaroon ng kasunduan ang DOMSAT AT SOLAR.
Sa kasalukuyan, pagmamay-ari at pinatatakbo na ng Solar Entertainment ang DOMSAT.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " DOMSAT "