Kartilya ng Katipunan
Ito ang unang libro ng bata sa pagbasa at unang aklat dasalan na rin. May mga leksiyon ito sa pagkilala ng mga letra ng alpabeto at mga panimulang pantig sa pagbasa ng mga payak at maikling salita.
May bahagi ito ng mga nakalimbag na dasal, tulad ng “Ama Namin,” “Aba Ginoong Maria,” at iba pang salin ng mga panalanging Kristiyano.
Dahil ginamit ito ng mga misyonerong Espanyol sa iba’t ibang lugar sa bansa, nasusulat ito sa iba’t ibang wikang katutubo ng Filipinas. Ito rin ang naging huwaran sa pagtuturo ng Abakada sa mga paaralang binuksan nitong ika-20 siglo.
Mula sa orihinal na ibig sabihin, naging kahulugan din ng kartilya ang batayang tuntuning dapat sundin sa isang samahan o lipunan. Kaya ang “Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na sinulat ni Emilio Jacinto upang maging gabay ng mga Katipunero ay higit na popular sa tawag na “Kartilya ng Katipunan.”
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kartilya ng Katipunan "