Ginang Ginoo Binibini
Ang ginoo ay ginagamit sa isang lalaki. Ang ginang ay ipinantutukoy sa isang babae at may-asawa. Ang binibini ay titulo para sa isang dalaga.
Gayunman, kung hindi tiyak ang katayuang sibil ng babae, tinatawag siyang binibini, lalo na sa sitwasyong publiko. Malimit na inuumpisahan ang isang pormal na talumpati sa isang pagbatì ng “Mga mahal na ginoo, ginang, at binibini.”
May nakaisip ng “ginĂng” upang sakupin ang ginang at binibini sa isang salita, gaya ng ladies sa Ingles. Gayunman,hindi pa ito popular.
Dinadaglat ng G. ang ginoo, Gng. ang ginang, at Bb. ang binibini at ginagamit kakabit ng pangalan ng toong tinutukoy.
Halimbawa, “G. Victor de Leon,” “Gng. Alicia de Leon,” at Bb. Diana de Leon.” Naging tradisyon ding tawaging “Unang Ginang” ang asawa ng Pangulo ng Filipinas.
Kamakailan, dahil babae ang naging Pangulo ng bansa ay may nagsimulang tumawag na “Unang Ginoo” at katumbas ng First Gentleman sa kaniyang tao.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ginang Ginoo Binibini "