Idyanale
On Personalidad
Si Idyanale ang bathala o anito ng pagsasaka at paghahayupan para sa mga sinaunang Tagalog.
Dahil kay Idyanale, mababanaag na ang agrikultura at domestikasyon ng mga hayop, bilang dalawa sa pinakamahalagang gawain sa pag-unlad ng tao tungo sa sibilisasyon, ay bahagi na ng karanasan ng mga katutubo sa Filipinas.
Sa kasalukuyan, naging inspirasyon si Idyanale ng maraming makata sa kanilang pagtula. Ilan sa mga pinakatanyag sa mga ito ang “Awit kay Idyanale” ni Rogelio G. Mangahas at “Laraw kay Idyanale” ni Teo T. Antonio.
Mahihiwatigan sa tula ni Mangahas ang pagnanais na ituring si Idyanale na isang diwata. Matatagpuan naman sa aklat na Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar pinakamatandang lahok at tala ukol kay Idyanale.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Idyanale "