Hermogenes Ilagan
Noong 1902, inorganisa ni Ilagan ang Compania Lirico-Dramatica Tagala de Gatchalian y Ilagan (naging Compania Ilagan kinalaunan), ang unang kompanyang sarsuwela. Nagtanghal sila sa iba’t ibang lalawigan ng Luzon tulad ng Bulacan, Laguna, Nueva Ecija, at Tayabas (ngayon ay Quezon).
Siya ang manunulat at prodyuser ng Ang Buhay nga Naman, Ang Buwan ng Oktubre, Bill de Divorcio, Dahil kay Ina, Dalawang Hangal, Despues de Dios, el Dinero, Ilaw ng Katotohanan, Kagalingan ng Bayan, Venus (Ang Operang Putol), Wagas na Pag-ibig, Sangla ni Rita, Isang Uno’t Cero, Centro Pericultura, Panarak ni Rosa (Punyal ni Rosa), Lucha Electoral, at iba pa. Kabilang si Ilagan sa mga dramatistang nagpayabong sa tinatawag na ”Gintong Panahon ng Teatrong Filipino.”
Isinilang siya noong 19 Abril 1873 sa Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Maagang natuklasan ang kaniyang husay sa pag-awit at kinuha siyang kasapi ng koro ng Simbahan ng Sta. Cruz sa Maynila.
Nag-aral siyá sa Ateneo Municipal de Manila ngunit hindi nakapagtapos dulot ng pagsapi sa isang tropang sarsuwela mula Espanya. Pumanaw siya noong 27 Pebrero 1943.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Hermogenes Ilagan "