Araw ng Kasarinlan
Ginugunita sa araw na ito ang pagpapahayag ng kalayaan noong ikaapat ng hápon ng 12 Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite.
Ginanap ito sa balkonahe ng matandang bahay-na-bato ni Heneral Emilio Aguinaldo na kababalik noon mulang Hong Kong upang ipagpatuloy ang Himagsikang Filipino laban sa mga Espanyol.
Bukod sa pagbása ni Ambrosio Rianzares Bautista sa Akta ng Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa pagkakataóng ito ang tinatawag ngayong Pambansang Watawat at tinugtog ang Marcha Filipina Magdalo na naging musika ng Pambansâng awit ngayon.
Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabilang ang isang Amerikanong koronel sa hukbo ng Estados Unidos.
Noong nása Malolos, Bulacan na ang hukbong Filipino, ipinabago ni Apolinario Mabini ang teksto ng Akta dahil waring ipinaiilalim ang Filipinas sa proteksiyon ng mga Amerikano.
Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing Hunyo 12 ay sinimulan ni Pangulong Diosdado Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act No. 4166 noong 4 Agosto 1964.
Bago ito, ipinagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ang pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas ng Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946.
Pinagmulan: Kermit Agbas (Guro ng Mataas na Paaralan sa Mindoro Oriental)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Araw ng Kasarinlan "