Ang Bahay-Kalakal ng Smith, Bell and Co. sa Tabaco, Albay ay ipinatayo ni Mariano Villanueva noong ikalabinsiyam na dantaon at kinilala bilang isa sa mga pinakamalaking bahay sa bayan ng Tabaco.


Si Don Mariano Villanueva ay nagsilbi bilang limang beses na gobernadorcillo ng Tabaco (katumbas ng alkalde ngayon) noong 1880s.


Ang bahay ay may dalawang katangian na madaling makilala mula sa daan-daang iba pang mga Bahay na Bato sa Pilipinas: Ang katangiang ito ay ang disenyo ng “sunburst sa fanlight” ng mga ibabang palapag ng bintana at pintuan, at ang balot na paligid ng mga bintana sa itaas na palapag.


Naging pag-aari ng Smith, Bell & Co. at ginamit bilang sangay ng kumpanya sa Tabaco, Albay hanggang sa mabili ni Angela Manalang Gloria noong 1965 at tinirahan ng kanyang pamilya.


Si Angela Manalang Gloria, ay naging tanyag bilang kauna-unahang makatang Pilipina na sumulat at naglathala ng isang koleksyon ng mga tula sa Ingles. Ipinanganak sa Pampanga, ikinasal si Manalang sa kapwa manunulat na si Celedonio Gloria at tumira sa Tabaco hanggang sa kanyang kamatayan noong 1995.


Natatanging halimbawa ng bahay na bato noong panahon ng mga Espanyol sa Albay.


Mungkahing Basahin: