Sino si Angela Manalang Gloria? (1907-1995)


Si Angela Manalang Gloria ay isang makata at manunulat.


Siya ay isinilang sa Guagua, Pampanga noong Agosto 2, 1907. Nagtapos ng Bachelor of Arts major in Philosophy, summa cum laude, sa Unibersidad ng Pilipinas taong 1929.


Ikinasal siya kay Celedonio Gloria, 1929. Naging patnugot siya ng Philippine Herald Magazine taong 1929.


Siya ang kauna-unahang Filipinang makata na nagsulat at naglimbag ng koleksyon ng mga tula sa wikang Ingles na pinamagatang Poems, taong 1940.


Si Angela Manalang Gloria ay yumao sa Tabaco, Albay noong Agosto 19, 1995.


Mungkahing Basahin: