Sino si Neri Colmenares?


Si Neri Colmenares ang isa sa pinakabatang political detainee noong Martial Law.


Labing walong (18) taong gulang siya nang arestuhin at ikulong ng apat (4) na taon dahil ipinaglaban niya ang pagbabalik ng mga student council at paper sa mga paaralan.


Naranasan niya sa kulungan ang iba’t-ibang tortyur at pagpapahirap na sumubok sa kanyang prinsipyo.


Ang karanasang ito ang nagtulak kay Neri na maging human rights lawyer. Nag-aral ng kursong Law sa UP College of Law at Economics sa San Beda College. Isa rin siyang PhD in Law candidate sa University of Melbourne.


Si Neri Colmernares rin ang kasalukuyang Chairperson ng National Union of Peoples’ Lawyers.


Mga pinasang batas:

  • Free Mobile Disaster Alerts Law
  • Human Rights Victims Reparation Law (RA 10468)
  • Anti-Torture Law (RA 9745)
  • Anti-Enforced Disappearance Law at marami pang iba.


Mungkahing Basahin: