Santiago S. Fonacier
Nag-aral siya ng pagpapari sa seminaryo ng Iglesia Filipina Independiente at naordenahan noong 1902.
Pagkatapos maordenahan ay nagturo siya. Dahil mahilig magsulat, iniwan niya ang pagtuturo pagkaraan ng dalawang taon, naging reporter ng La Democracia at El Grito del Pueblo, at itinatag at pinamatnugutan ang sariling La Lucha na tumagal hanggang 1941. Isinalin din niya Ilokano ang Noli me tangere at El filibusterismo.
Noong 1912, nahalal siya sa unang Philippine Assembly bílang representante ng unang distrito ng Ilocos Norte. Kumandidato siyang senador noong 1919 at nagwagi sa distrito ng Abra, Batanes, Cagayan Valley, Ilocos Sur, Ilocos Norte, at Isabela.
Nagsilbi din siyang rehente ng UP, at miyembro ng Institute of National Language at Board of Pardon and Parole, bukod sa naging tagapangulo ng National Textboard Board at kapelyan sa hukbo.
Si Fonacier ang isa sa unang kapanalig ni Gregorio Aglipay. Naging sekretaryo-heneral siya ng Iglesia Filipina Independiente at nang mamatay si Aglipay ay pumalit na Obispo Maximo nito.
Namatay siya noong 8 Disyembre 1977 sa gulang na 92 taon.
Noong Mayo 1985, itinapat sa kaniyang sentenaryo ang paglalagay ng marker ng National Historical Institute sa kaniyang sinilangang bahay.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Santiago S. Fonacier "