Raha Sulayman
Mula sa angkan ng mga maharlikang Muslim sa Borneo, si Sulayman ang pinuno ng Maynila nang maunlad pa itong pamayanang Muslim.
Tumanggi siyang pasakop sa mga Espanyol sa pamumuno ni Martin de Goiti noong Mayo 1570. Sa pamamagitan ng amaing si Lakandula na pinuno ng Kaharian ng Tundo, nakipagkaibigan siya sa mga Espanyol pero lihim na pinaghanda ang mga tauhan niya.
Nang mapatunayan niyang ibig talagang manakop ng mga dayuhan, sinalakay ng kaniyang pangkat ang barko ni Goiti sa Look Maynila. Bilang ganti, pinatay ng mga Espanyol ang mga tauhan niyang naiwan sa himpilan at sinunog ang pamayanan. Pinaghandaan niya ang pagbabalik ng mga Espanyol.
Noong Mayo 1571, nagbalik ang mas malaking hukbong Espanyol kaya nangalap siya ng mga tauhan sa Hagonoy, Macabebe, at iba pang barangay sa Pampanga.
Natalo sila sa Labanang Ilog Bangkusay at may palagay na pagkatapos niyon, pinalitan niya ang pangalan at ginawang Agustin de Legazpi.
Nakatulong niya si Magat Salamat, anak ni Lakandula, sa pagbuo ng hukbo laban sa mga Espanyol. Tinangka nilang pag-isahin ang mga barangay ng Tundo, Pandacan, Polo, Catangalan, Castilla, Taguig, Candaba, Navotas, Maysilo, Bulacan, Tangos, at Cuyo. Natuklasan ng mga Espanyol ang balak, dinakip siya at kasama ang ibang pinunong katutubo ay binitay noong 1588.
Ipinangalan kay Raha Sulayman ang isang liwasan sa Malate, Maynila.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Raha Sulayman "