Labanan sa Bangkusay
Labanan sa Bangkusay
Tumanggi ang mga pamayanan sa Hilagang Look ng Maynila na mapailalim sa mga bagong dating na mananakop na Espanyol sa Maynila. Isang armadang binubuo ng 2,000 mandirigmang Muslim buhat sa Macabebe, Hagonoy, at iba pang bahagi ng Pampanga ang tumungo sa Tondo sa layong palayasin ang mga Espanyol sa Luzon, 31 Mayo 1571.
Tumanggi ang pinuno ng armada mula sa Macabebe (ngayo’y bahagi ng Pampanga) sa panunuhol ng mga Espanyol at sa halip ay hinamon si Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi sa isang labanan sa wawa ng Ilog Bangkusay, Tondo, Look Maynila.
Dahil sa makabagong sandata, nasawi ang 300 mandirigmang katutubo, kabilang ang kanilang pinuno, 3 hunyo 1571. Ang pandandang ito (larawan sa itaas) ay bilang paggunita sa ika-450 anibersaryo ng labanan sa Bangkusay.
Pinagmulan: @nqcPhilippines
No Comment to " Labanan sa Bangkusay "