Monumentong Legazpi at Urdaneta

Bantayog ng paggunita kina Miguel Lopez de Legazpi (Mi·gél Ló·pez de Le·gáz·pi) at Andres de Urdaneta (An·drés de Úr·da·né·ta) na matatagpuan sa gilid ng Intramuros sa Manuel A. Roxas Boulevard, Maynila.


Ang dalawa ay mga manlalakbay na Espanyol na magkasamang naglayag sa ekspedisyon patungong Filipinas noong 1564.


Ang paglalakbay na ito ang nagbukas sa kapuluan sa pananakop ng mga Espanyol at sa pagtuklas sa pinakamahusay na ruta sa Karagatang Pasipiko pabalik sa kanluran.


May hawak na nakabalumbong dokumento si Legazpi at may hawak na krus ang paring si Urdaneta at sumasagisag na magkatulong na gawain ng estado at ng simbahan sa pagsakop ng mga Espanyol sa Filipinas.


Nakatuntong ang dalawa sa isang angkla, ang sagisag ng ginawa nilang pagtawid ng karagatan. Itinayô ang monumento noong 1912 at gawa sa bronse at granito. Nang bombahin ang Intramuros noong 1945 ay himalang hindi napinsala ang monumento.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: