Manuel Roxas
Gayunman, maikli ang kaniyang panunungkulan dahil noong 15 Abril 1948 ay namatay siya sa atake sa puso pagkatapos magtalumpati sa Clark Field, Pampanga.
Ngunit tinapos din ng kamatayan ang isang makulay at walang-humpay na pag-akyat sa tagumpay ng isang lider politiko.
Isinilang si Roxas sa Capiz (Lungsod Roxas ngayon), Capiz noong 1 Enero 1892 kina Gerardo Roxas at Rosario Acuña.
Nag-aral siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas at nanguna sa pagsusulit sa bar noong 1913. Pinakasalan niya si Trinidad de Leon ng San Miguel, Bulacan. Isa sa dalawang anak nila, si Gerardo Roxas, ang magiging bantog ding politikong pambansa.
Kumandidato siyang gobernador ng Capiz at pagkaraan, noong 1922 kinatawan sa Asamblea. Napansin siya ni Quezon at tinangkilik. Naging ispiker siyá ng Mababàng Kapulungan noong 1922-1923. Pagkatapos, naging aktibo siyá sa mga delegasyon patungong Estados Unidos upang maglakad ng kasarinlan.
Kumandidatong delegado sa 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal si Roxas at nanalo. Sa halalang 15 Nobyembre 1935 para sa Komonwelt muling nagkaisa sina Quezon at Osmeña at nagwaging pangulo at pangalawang-pangulo. Hinirang ni Quezon si Roxas na kalihim sa pananalapi at direktor sa National Economic Council.
Naiwan siyá sa Filipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at lumahok sa mga labanan sa Corregidor, Bataan, at Mindanao.
Muntik na siyang mapatay nang madakip sa Mindanao. Napilitan siyáng makiisa sa mga Hapones ngunit patuloy na kumilos sa pangkating gerilya.
Sa halalan noong 23 Abril 1946, tinalo ni Roxas si Osmeña sa pagkapangulo. Bahagi ng mga naisagawa niya bago namatay ang reparasyon o bayad-pinsala sa mga sinalanta ng digma at ang karapatang parity. Naipatayô din niyá ang Rehabilitation Finance Corporation na naging Development Bank of the Philippines (DBP) gayundin ang Central Bank of the Philippines na Bangko Sentral ng Pilipinas ngayon.
Pinagmulan: NCCA Official | Flicker
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Manuel Roxas "