Intramuros
Ang Intramuros o “sa loob ng mga pader” ang kinikilalang sentro ng pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, at edukasyon noong panahon ng Espanyol.
Matatagpuan sa 60 ektaryang saklaw nito ang mga pangunahing simbahan, kumbento, eskuwelehan, at gusaling pampamahalaan ng mga kolonisador. Pawang mga Espanyol lamang ang maaaring manirahan sa loob ng nasabing lungsod maliban sa mga Filipinong kutsero, labandera, at kasambahay na nagtatrabaho sa loob ng Intramuros. Sa matagal na panahon, ang Intramuros ang tinatawag na Maynila.
Katulad ng mga lungsod sa Europa noong panahong iyon, napapaligiran ang Intramuros ng tubig at pinoprotektahan ng makakapal na pader.
May walong puwerta o pintuan ito, kagaya ng Puerta de Parian, Puerta Real, at Puerta Isabel at mga moog na tulad ng San Andres, Sta. Lucia at Santiago na ipinatayo ng mga gobernador-heneral ng Filipinas hanggang 1872.
Nakaluklok din sa Intramuros ang Katedral ng Maynila; ang mga simbahan ng San Agustin, Santo Domingo, at San Ignacio; mga gusaling pang-administrasyon kagaya ng Ayuntamiento at Intendencia; at mga eskuwelahan tulad ng lumang Ateneo de Manila, Colegio San Juan de Letran, dating Unibersidad ng Santo Tomas, at Colegio de Santa Isabel.
Malaking bahagi ng Intramuros ay nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. May programang inilunsad upang muling ayusin o ibalik sa dating anyo ang mga estrukturang nasira ng digmaan at ng pagpapabaya. Ang nasabing lugar ay kasalukuyang isa sa pinakatanyag na pook na pinapasyalan ng mga Filipino at banyagang turista sa Maynila.
Ang Intramuros
Para patibayin ang pananakop at para maiwasan ang pagbalik ng mga Tsinong mananakop, ang mga Kastila ay nagpalibot ng pader na gawa sa bato sa buong bayan ng Maynila. Dahil dito, ang Maynila ay tinatawag din nating “Intramuros,” na ang ibig sabihin ay “Sa Loob ng Pader.”
Tandaan: Habang ang mga Kastila ang nag-disenyo ng pader, ang mga Pilipino, o ang mga binansagang “Indyo” ang nagtayo nito.
Ang pader ng Intramuros ay produkto ng higit dalawang daang taong paggawa ng mga Pilipino.
Mungkahing Basahin:
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Intramuros "