Labintatlong Martir ng Cavite
On Personalidad
Labintatlong Martir ng Cavite
Mga kilalang mamamayan ng Cavite na dinakip sa salang pakikipagsabwatan sa mga katipunero kaugnay ng naganap na pag-aalsa sa Cavite noong Agosto 31, 1896.
Bagaman at walang kasalanan sa krimeng ibinibintang sa kanila, sila ay hinatulan ng kamatayan ng komisyong militar na lumitis sa kanila.
Binaril noong hapon ng Setyembre 12, 1896 sa kutang San Felipe, Lungsod ng Cavite.
Ang mga martir na ito ay sina:
- Luis Aguado,
- Eugenio Cabezas,
- Feliciano Cabuco,
- Agapito Conchu,
- Maximo Inocencio,
- Maximo Gregorio,
- Jose Lallano,
- Severino Lapidario,
- Victoriano Luciano,
- Alfonso de Ocampo,
- Francisco Osorio,
- Hugo Perez,
- Antonio San Agustin.
Pito sa mga bangkay ang nailipat sa magkakahiwalay na nitso at ang iba ay nanatiling sáma-sáma sa iisang libingan. Isang monumento ang itinayô sa Lungsod Cavite bilang alaala sa kanila. Ipinangalan sa pangkat ang Lungsod Trece Martires, Cavite; ang labintatlong barangay ng bayan ay nakapangalan din sa mga martir.
Pinagmulan: @DFAOfficial, @NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Labintatlong Martir ng Cavite "