Sino si Maximo Inocencio?
Ngayong araw, Nobyembre 18, 2021 ang ika-188 taong kaarawan ng isa sa mga dakilang makabayan ng lalawigan ng Cavite at ng pinakamatandang namartir sa 13 Martir ng Cavite na si Maximo Franco Inocencio.
Isinilang siya noong 1833 sa lungsod ng Cavite, Cavite at anak nina Tranquilino, isang mandaragat na nadestino sa Mexico, at Ana Maria Inocencio.
Bata pa lang nang maulila sa ama si Maximo, habang kakaunti lang ang impormasyon kung saan siya nakapag-aral at nagtapos ng arkitektura at pagkakarpintero. Nagsilbing apprentice sa mga arsenal at shipyard sa Cavite si Maximo, habang nagtayo siya ng kanyang sariling construction firm, na nagkontrata at nagpatayo ng mga ipinatayong simbahan at mga pampublikong gusali gaya ng mga tulay at paaralan sa lalawigan. Ang kanyang shipping company rin ang nagkukumpuni ng mga maliliit na barko ng Spanish Navy, at nagmamay-ari rin siya ng tatlong mga sailboat.
Si Maximo Inocencio ang kundi man isa, ay pinakamayamang residente ng lalawigan ng Cavite.
Kahit wala naman talaga siyang kinalaman sa nangyaring pag-aalsa ng mga sundalong Pilipino sa arsenal sa Fort San Felipe Neri, Cavite noong Enero 1872, nadawit pa rin si Maximo Inocencio dahil isa siyang Mason. Isa siya sa mga nahatulang maipatapon sa Cartagena, Espanya sa loob ng 10 taon. Nang mapalaya mula sa pagkakapatapon ay bumalik sa Cavite si Inocencio para ipagpatuloy ang kanyang mga naiwang negosyo. Naging honorary member siya ng Hospicio de San Jose sa Cavite na pinamamahalaan ng mga prayle, at naging contractor pa ng arsenal.
Sumapi si Maximo Inocencio sa Katipunan, at nang pumutok ang rebolusyong noong 1896, ginamit pang kuta ng mga rebolusyonaryo sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kanyang bahay, habang nagbigay rin siya ng suportang pinansyal at materyales para sa rebolusyon.
Pagkatapos ang trahedyang pagkatalo ng mga Espanyol sa Imus, Cavite noong ika-3 ng Setyembre ay isa si Maximo Inocencio sa mga prominenteng residente ng Cavite na inaresto ng mga otoridad. Nadawit ang pangalan niya dahil sa pagkukumpisal ng isa sa mga inarestong CaviteƱo na pinahirapan ng mga otoridad.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sino si Maximo Inocencio? "