Ang Pag-aaklas sa Cavite at ang GOMBURZA
Ang Pag-aaklas sa Cavite at ang GOMBURZA
Ang Pag-aaklas sa Cavite ay ang paghimagsik ng 200 na sundalo at manggagawang mga Pilipino sa arsenal ng militar sa Cavite noong 20 Enero 1872.
Ang isang “pag aaklas” ay ang pag rerebelde ng mga sundalo laban sa liderato ng Militar.
Ang naging reaksyon ng pamahalaang kolonyal ay malupit, at ang pag-aaklas ay ginawang dahilan para sa matinding pagsupil. Maraming intelektuwal ang naparatangang kasama sa pag-aaklas, kasama na ang mga Filipinong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (GomBurZa) na hinatulan ng kamatayan.
Ang GomBurZa ay naging mga martir, at ang pag-aaklas sa Cavite ay nagbigay daan para sa mga serye ng mga kaganapan na nagdulot ng isang rebolusyon noong 1896.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Pag-aaklas sa Cavite at ang GOMBURZA "