Luksong Lubid
Ang luksong lubid ay isang larong pambata. Sinasabing nagmula ito sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Ito ay tinatawag ding jump rope sa wikang Ingles.
Sa paglalaro nito, kinakailangan lamang ng lubid na may haba na lima hanggang pitong metro. Maaari itong laruin ng dalawang bata o ng dalawang pangkat.
Ang mga manlalaro ay karaniwang may edad na pito pataas. Ang unang taya o magpapaikot ng lubid ay nalalaman sa pamamagitan ng palabunot o ng dyak-en-poy.
Dalawa lamang ang panuntunan ng larong ito. Una, hindi dapat madapuan ng lubid ang anumang parte ng katawan ng lumulukso. Ikalawa, hindi maaaring tapakan ng lumulukso ang lubid.
Kung dalawa lamang ang manlalaro, hinahawakan ng taya ang isang dulo ng lubid at ng lumulukso ang kabilang dulo. Pag-ikot ng lubid, pumapaloob sa ikot ang lumulukso habang hawak ang kabilâng dulo.
Kailangang mas mataas sa ulo ng lumulukso ang ikot ng lubid para hindi tumama sa kaniyang ulo ang lubid. Kailangan ding lumukso siya sa lubid upang hindi tumama sa kaniyang paa.
Kung pangkatan, hinahawakan ng dalawang taya ang magkabilang dulo ng pinaiikot na lubid. Sabay o palitan ang dalawang lumulukso. Pinabibilis naman ng taya ang pagpapaikot sa lubid. Mahalaga sa lulmulukso ang bilis at resistensiya. May pagkakataong inoorasan ang paligsahan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Luksong Lubid "