luksong bakaLuksong Baka | @grupokalinangan

Ang luksong baka ay isang sikat na tradisyunal na larong Pinoy na pinaniniwalaang nagmula sa probinsya ng Bulakan. Ang layunin ng larong ito ay makalundag ang mga manlalaro sa ibabaw ng likod ng naitalagang “baka” na hindi tumutumba.


Materyales: Walang kailangang materiales.


Manlalaro: 3 o higit pa.


Saan lalaruin: Maaaring laruin sa isang malawak na lugar.


Paraan kung paano laruin:

1.Bago magsimula ang laro lahat ay magtitipon para matukoy ang taya na magiging baka. Ginagawa ito sa pamamagitan ng “maiba taya” kung saan ipapatong ang kamay ng mga maglalaro na itataas at ibababa nang paharap o patalikod. Ang manlalaro na iba ang posisyon ng kamay ang magiging taya.

2.Ang baka ay nakatayo at yuyukong nakatuwad na luluksuhan at dapat hindi masagi o masayaran ng mga tumatalon.

3.Pataas nang pataas ang posisyon ng baka na magpapahirap sa paglukso ng mga manlalaro.

4.Magiging bagong taya ang hindi makakalukso sa baka.


Mungkahing Basahin: