Beto-Beto
Ang opereytor ng laro ay may tatlong days na ilalagay niya sa loob ng isang tasa o munting kahon at aalog-alugin. Karaniwang ang isang days ay isang kubo (cube) na yari sa nakar o baso at nakalimbag sa bawat panig ang mga bola o tuldok na kumakatawan sa mga numerong 1 hanggang 6.
May isang bord namang may nakasulat na mga numero mulang 3 hanggang 18. Tatayaan ng mga kasali ang numero na sa hula nila ay kabuuang bilang na mabubuo kapag inilitaw ang tatlong days. Ang tumaya sa lumitaw na kabuuang bilang sa tatlong days ang panalo.
Maganda itong aliwan kung may parti. Kailangan lamang ng tatlong days, tinatawag ding dado sa Espanyol, at isang piraso ng manila paper o kartulina na gagamiting bord ng mga numero. Puwedeng kendi lámang ang pustahan.
Malimit na may mesang laruan ng beto-beto sa patyo ng simbahan kung pista. Popular din ang mesa ng beto-beto sa mga karnabal at perya. Madalî kasing laruin. Gayunman, maituturing itong sugal kapag malaki na ang salaping itinataya.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Beto-Beto "