On
Ang bayabas ay kabílang sa pamilya Myrtaceae at may botanikong pangalan na Psidium guajava. Isang uri ito ng punongkahoy na ang prutas ay nakakain.


Makikita ito sa buong Filipinas ngunit ang lugar na pinakasagana nito ay sa Bundok Banahaw sa Mindanao.


Ang puno ng bayabas ay kadalasang tumataas ng 3 hanggang 10 metro depende sa uri nito. May isang magandang bugtong na ginamit ang bayabas bílang hambingan:


Isang bayabas

Pito ang butas.

Hipuin ang sariling mukha at ulo para malaman ang sagot.


Ang bayabas ay malawak na ginagamit sa Pilipinas bílang alternatibong gamot sa maraming karamdaman. Ang pinaglagaan ng mga dahon nito ay ginagamit bílang panlinis o panlanggas ng mga sugat. Maaari ding inumin ito upang ipanlunas sa pagtatae, sakít ng ngipin, at pamamaga ng gilagid.


Ang prutas na bayabas, bukod sa masarap ay may purong katas ng bitamina C. Ipinapayo lamang na limitahan ang pagkain nito upang hindi maging sanhi ng konstipasyon.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: