Ano ang gaba?
Para sa kanila, anumang gawing masama ng tao nang walang maayos na dahilan ay pinarurusahan ng Langit sa pamamagitan ng gaba.
Maaaring magkasakit ang taong nagaba o kaya may mangyaring hindi inaasahan sa pamilya. May paniwala din na higit na mabigat ang parusa kaysa ginawang masama. Dahil naman sa mga kuwento ng gaba na naipon sa matagal na panahon ay tumitingkad ang halos pagsampalataya at takot ng mga tao sa gaba.
Isang pananakot at paalala ang ekspresyon na “Gabaan ka.” Pananakot dahil may paniwala ngang higit na mabigat ang aabuting higanti ng kapalaran sa sinumang magaba.
Paalala dahil nagsisilbi itong gabay ng tao upang huminahon at pag-isipang mabuti ang anumang gagawin, lalo na’t may kaugnayan sa kapuwa tao.
Sa Negros Occidental, ginagamit ang gaba bilang isang mahalagang bagay na dapat iwasan upang hindi na makapinsala. Nagiging sentral din sa mga Negrense ang gaba upang gumawa ng mabuti sa tao sa sa kalikasan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang gaba? "