Ilustrado
Karamihan sa mga napabilang sa uring ilustrado ay mula sa mga pamilyang prinsipalya na yumaman nang buksan ang Filpinas sa pandaigdigang kalakalan noong 1835.
Karaniwan, ang mga ilustrado ay nag-aral ng medisina at abogasya sa mga kolehiyo sa Filipinas at Europa. Karamihan din sa mga lider ng Kilusang Propaganda at namuno sa Himagsikang 1896 ay nagmula sa nasabing uri.
Ilustrado rin ang katawagang ibinigay ng mga Filipinong nag-aral o nanirahan sa Espanya sa kanilang mga sarili na nagbigkis sa mga Filipinong nasa labas ng bansa.
Naging pangunahing ambag ng grupong ito ang paglulunsad ng Kilusang Propaganda na pinamumuan nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena.
Pangunahing layunin ng kilusang ito ang ipaabot sa pamahalaang Espanyol ang pangangailangang magkaroon ng reporma sa Filipinas at pigilin ang pang-aabuso ng mga fraile sa mga Filipino.
Kinikilalang ang mga nailimbag at naihayag ng mga ilustrado sa loob at labas ng bansa ay nakatulong nang malaki sa pagmumulat sa mga Filipino na humantong sa kanilang paghihimagsik laban sa kolonyalistang Espanyol noong 1896.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ilustrado "