Ever Joy Ramirez
Ever Joy Ramirez | DSWD Region V (@dswdfo5)


Isa si Ever Joy Ramirez sa mga benepisyaryo ng Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program sa Tabaco City, Albay na nakatanggap ng tulong pinansyal.


Ayon kay Ever Joy, bumalik ang kanilang pamilya sa probinsya dahil sa pandemya at nawalan din siya ng trabaho.


Upang makapagsimula ng bagong kabanata sa probinsya, nakatanggap ang benepisyaryo ng transitory family support package.


“Malaking tulong sa amin lalo na sa ngayon na walang pinagkakakitaan,” sabi ni Ever Joy.


Nagbigay din ng mensahe si Ever Joy sa kapwa benepisyaryo ng BP2 Program na sana gamitin yung matatanggap na tulong sa planong negosyo at sana paunlarin ito para pagdating ng panahon ay mayroong mahuhugot at hindi na yung walang-wala.


Mungkahing Basahin: