Ano ang pagkakaiba ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa at ng Hatid Tulong?
Balik Probinsya, Bagong Pag-asa

Ito ay para sa mga permanente at matagal nang naninirahan sa Metro Manila na nais nang bumalik sa kani-kanilang probinsya upang doon na muling maghanap-buhay.

Hatid Tulong

Ito ay para sa mga taong pansamantalang na-stranded o mga locally stranded individuals (LSIs) sa Metro Manila dulot ng travel ban sa panahon ng ating pakikipaglaban sa COVID-19. Maaaring kabilang dito ang mga OFW, mga estudyante, o mga turistang inabutan ng community quarantine.
Pinagmulan: @pcoogov

Mungkahing Basahin: