Gabay sa buhay sa panahon ng quarantine
Pananatili sa bahay sa panahon ng extreme enhanced community quarantine
Ano ang home quarantine?
Ang home quarantine ay ang pananatili lamang sa loob ng bahay upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng virus na sanhi ng covid-19. Ang home quarantine ay maaring tumagal ng 14 araw at higit pa.
Kailan ka maaaring lumabas ng bahay?
Hindi ka maaaring lumabas ng bahay habang naka-home quarantine. Ang paglabas ng bahay habang laganap ang covid-19 ay maaaring magdulot ng pagkalat ng sakit lalo na sa iyong sariling pamilya.
Paano kung kailangang kailangan lumabas ng bahay?
Maaari ka lang lumabas ng bahay kung may lubhang pangangailangan tulad ng kung nalalagay sa panganib ang buhay mo o ng iyong kapamilya. Kung lalabas ka ng bahay na walang hustong pangangailangan, maaari itong ikapahamak ng sinuman sa iyong pamilya.
Maaari laman lumabas ng bahay ang isang taong may malakas na pangangatawan at resistensiya sa sakit sa mga sumusunod na kadahilanan: “Magpapagamot o magdadala ng pasyente sa hospital.
Minsan sa isang linggo ka lang pwede lumabas sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Bibili ng gamot
- Bibili ng pagkain
No Comment to " Gabay sa buhay sa panahon ng quarantine "