additional restrictions sa ncr


BASAHIN: Mga dapat malaman tungkol sa mga additional restrictions sa NCR, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan. 


Mga FAQ tungkol sa additional restrictions sa NCR+


Anong mga lugar ang kasama dito?

Simula ngayon, mga residente ng NCR + Rzal, Laguna, Cavite, Bulacan.

Gaano katagal ang bisa nito?

Marso 22 hanggang April 4, 2021 (2 linggo)


Papayagan ba ang mga pagtitipon?

Maliban sa mga kasal, binyag, at mga libing, na limitado sa hanggang 10 katao lamang, lahat ng mga pagtitipon ay ipagbabawal.

Bakit natin ito gagawin?

Upang maiwasan ang posibleng “superspreader events.”


Papayagan ba ang maglakbay sa labas ng NCR?

Mahahalagang byahe (essential travel) lamang sa labas ng NCR+ ang papayagan.

Bakit natin ito gagawin?

Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang lugar na may kakulangan sa kapasidad pangkalusugan (health care capacity).


Papayagan ba ang mag byahe sa loob ng NCR+?

Oo, magagamit ang pampublikong transportasyon.

Bakit natin ito gagawin?

Upang maipagpatuloy ang mga aktibidad pang-ekonomiya sa NCR.


Sinu-sino ang mga papayagang lumabas ng bahay?

Ang mga edad 18 hanggang 65 na taon lamang ang papayagang lumabas ng bahay, ang mga wala pang 18 taon ay hindi papayagang lumabas.

Ang mga taong lampas 65 na taon ay papayagan lamang sa labas kung sila ay empleyado, kukuha ng pangunahing pangangailangan at/o nag-e-ehersisyo o sumasali sa mga non[-contact sports.

Buntis at immunocomp[romised o may mahinang immune system ay makakalabas lamang kung kinakailangan ang mga mahahalagang  bagay o mga serbisyong pangkalusugan.

Mga PWDs kung mayroong medical clearance o PWD ID.

Bakit natin ito gagawin?

Upang protektahan ang matatanda, mga bata, at mga may kapansanan.


Mananatili ba ang curfew? 

Oo, mula 10 PM hanggang 5 AM ang curfew na ipapatupad maliban sa mga manggagawa, tagapaghatid ng kalakal, at pampublikong transportasyon.

Bakit natin ito gagawin?

Para mabawasan ang mga pagtitipon na maaring maging ‘superspreader events.”


Suspendido ba ang trabaho?

Hindi, ang gobyerno at pribadong kumpanya ay magpapatuloy ng operasyon.

Gayunpaman, 1) ang work from home ay lubos na inirerekomenda 2) ang mga virtual meetings ay patuloy na hinihikayat at 3) ang harapang pagmimiting at lahat ng iba pang pagtitipon sa mga lugar ng trabaho (tulad ng pagkain nang sama-sama) ay mahigpit na ipinag-babawal.

Ang pribadong sektor ay hinihikayat na gawin ang kaparehong alternative working arrangement kahalintulad ng ipinapatupad sa ehekutibo ng gonyerno. Hal. Mula tatlumpung porsyento (30%) hanggang limampung porsyento (50%) ng operasyon o kung ano ang naaangkop sa kapasidad nito.

Bakit ito gagawin?

Upang mabawasan ang panganib na dala ng harapang interaksyon sa mga lugar ng trabaho.


Mananatili bang bukas ang mga kainan at personal care services o pampersonal na serbisyo?

Ang mga kainan na may espasyo sa labas (outdoor dining) lamang ang papayagan hanggat may panuntunan, hal. 50% na kapasidad, 1 upuan ang layo, hanggang 2 na tao bawat mesa.

Ang mga kainan sa loob (indoor dining) ay ipagbabawal.

Para sa mga pampersonal na serbisyo, ang 50% na kapasidad ay ipatutupad.

Bakit natin ito gagawin?

Upang mabawasan ang panganib na dala ng harapang pakikipagusap at salu-salo.


Anu-anong negosyo ang pansamantalang isasara sa loob ng dalawang linggo?

Driving schools, sinehan at mga video at interactive na mga laro sa mall, aklatan, archives, museo, tanghalang pangkultura, mga itinakdang panlipunang okasyon at mga itinalagang establisimyento ng DOT at mga limitadong pasyalang pang-turista, ang mga open-air na pasyalang panturista ay mananatiling bukas.

Sabong at sabungan kasama ang mga lugar na nasa MGCQ.

Bakit natin ito gagawin?

Upang maiwasan ang pagkahawa mula sa mga hindi importanteng pagtitipon at aktibidad.


Paano ko mapapanatiling ligtas ang aking pamilya?

Huwag muna tumanggap ng mga bisita.

magsuot ng mask kahit sa bahay lalo na kung may kasamang mga matatanda, buntis, at may kapansanan.


Pinagmulan: @PIA_RIII (Philippine Information Agency Region III)


Mungkahing Basahin: