Narito ang ilang paalala sa wastong paggamit at pagsuot ng face mask. Tandaan, stop ncov at ugaliing sundin ang mga hakbang upang makaiwas sa mga respiratory diseases.


Protektahan ang sarili mula sa coronavirus


Kailan dapat magsuot ng mask?


  1. Kapag may ubo’t sipon, hirap sa paghinga at iba pang respiratory symptoms
  2. Kapag may inaalagaang pasyente na may ubo’t sipon at iba pang respiratory sysmptoms
  3. Kapag nagpapagaling mula sa sakit.

Maaaring hindi magsuotng face mask sa publiko kapag walang ubo’t sipon o respiratory symptoms.

Paano isuot ang surgical mask?

  1. Takpan ang ilong, bibig, at baba
  2. Pisilin ang metal na bahagi upang lumapat ang mask sa ilong.

Tandaan:
  • Puting bahagi ang nakalapat sa mukha,
  • Sa strap lamang humawak kung huhubarin ang mask.

Ang paggamit ng face mask ay isa lamang sa maraming paraan upang protektahan ang sarili sa corona virus. Mahalaga pa rin ang tamang paghuhugas ng kamay.
Paano itatapon ang mask pagkagamit?

  1. Marahang tanggalin ang mask
  2. Gupitin upang hindi magamit muli
  3. Hugasan agad ang kamay. Magsuot lamang ng bagong mask matapos maghugas
  4. Ilagay sa plastic na may label at isara nang maigi. Maaari ring maglagay ng trash bin na may takip para sa mga mask upang mabawasan ang plastic waste.

Pinagmulan: DepEd Philippines

Mungkahing Basahin: