Iwasan ang WILD Diseases
On Kalusugan
Delikado ang magkasakit, sa panahon ngayon. Kahit sino ay maaaring madapuan ng W.I.L.D Diseases (Waterborne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue)
Kumunsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar o bisitahin ang http://healthypilipinas.ph para sa karagdagang impormasyon.
Maiiwasan ang mga WILD diseases sa pamamagitan ng sumusunod:
- Magpabakuna upang maiwasan ang mga nakakahawang sakit tuwing tag-ulan katulad ng influenza at hepatitis.
- Gumamit ng payong, kapote, at bota upang hindi mabasa sa ulan.
- Iwasan ang mga lugar na masisikip, walang masyadong pumapasok na hangin o mga lugar na walang magandang bentilasyon.
- Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga taong may sakit, may lagnat at ubo.
- Uminom ng malinis na tubig. Pakuluan ang tubig kung hindi siguradong malinis at ligtas inumin.
- Iwasang bumili ng mga pagkaing mula sa mga sidewalk vendor upang maiwasan ang mga sakit na dala ng pagkain.
- Itaob ang mga maaaring ipunan ng tubig katulad ng mga drum, timba, mga lumang gulong at bote na maaaring pangitlugan ng mga lamok.
- Tiyaking malinis at hindi barado ang mga gutters at alulod ng bubong na dinadaluyan ng tubig.
- Huwag lumusong o lumangoy sa tubig baha upang maiwasan ang leptospirosis.
- Ugaliing maging malinis hindi lamang sa katawan, kundi pati na rin sa kapaligiran sa lahat ng oras.
- Ugaliin ang masusi at madalas na paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig lalo na bago maghanda, magluto, kumain, at pagkagaling sa palikuran.
- Iwasan ding hawakan ang mga mata, ilong at mga bagay sa kapaligiran kung marumi ang mga kamay.
- Linisin ng mabuti ang mga kagamitan (Disinfection of surfaces in the home).
Pinagmulan: Department of Health | @DOHgovph
Pinagmulan ng larawan: @inquirerdotnet
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Iwasan ang WILD Diseases "