On
Escuadro Aerea De Pelea 201 (Aguilas Aztecas)


Natatanging puwersang Mehikanong nakipaglaban sa labas ng Mehiko noong Ikalawang Digmaang pandaigdig.


Binuo ng pamahalaang Mehiko at ipinadala sa Pilipinas bilang bahagi ng puwersang alyansa. Itinalaga bilang operasyong panghimpapawid noong Enero 1, 1945.


Dumating sa Maynila noong Abril 30, 1945, at nagkampo sa Porac, Pampanga noong Mayo, 1945. Sumuporta sa mga misyon sa hilagang Luzon noong Hunyo 4 hanggang Hulyo 1945.


Nilisan ang Pilipinas noong Oktubre 22, 1945, at bumalik sa Mehiko bilang mga bayani noong Nobyembre 18, 1945.


Itinayo at pinasinayaan ng mga miyembro ng Escuadro 201 ang bantayog nito bilang pagkilala sa kanilang pangkat, at bilang pag-alala sa mga namatay nilang kasapi noong Setyembre 25, 1945.


Mungkahing Basahin: