Panukalang batas na prayoridad ni Pangulong Duterte
On Pamumuhay
Anu-ano ang mga panukalang batas na prayoridad ni Pangulong Duterte?
1. Unified System para sa separation, retirement at pensyon ng ating mga kasundaluhan at unipormadong kawani ng gobyerno.
2. Pagsasaayos ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Immigration (BI).
3. Pagtatatag ng Coconut Farmers’ Trust Fund para sa mga nagtatanim at umaani ng mga niyog.
4. Pagtatatag ng Department of Overseas Filipinos na sesentro sa kapakanan ng ating mga Pilipinong manggagawa sa iba’t-ibang panig ng mundo.
5. Pagbabalik ng Death Penalty sa pamamagitan ng lethal injection bilang kaparusahan sa mga krimen na nakasaad sa ating Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
6. Pagbibigay ng opportunidad sa lahat na magkaroon ng maayos na pabahay sa tulong ng National Housing Development Bill at Rental Housing Subsidy Bill.
7. Pagsasabatas ng Rural, Agricultural, and Fisheries Development Financing System Act para sa ating mga magsasaka at mangingisda.
8. Pagsasabatas ng National Land Use Act para sa mas responsableng paggamit ng ating yamang-lupa.
9. Pagbuo ng Boracay Island Development Authority para sa tuloy-tuloy na pangangalaga sa isla ng Boracay.
10. Pag-amyenda sa Republic Act 10912 o ang Continuing Professional Development Act of 2016.
Pinagmulan:: @pcoogov
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Panukalang batas na prayoridad ni Pangulong Duterte "