Fact vs. Fake tungkol sa death penalty sa Pilipinas
Sa pagsugpo natin sa kriminalidad, masosolusyunan nga ba ito ng pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas? Sagot nga ba ang parusang kamatayan sa pagsusulong natin ng hustisya para sa biktima?
Alamin ang ilan sa mga maling akala natin tungkol sa hindi makataong polisiya na ito.
Fact vs. Fake tungkol sa death penalty (o parusang kamatayan)
Malaki ang binaba ng intentional homicide rate (o planadong pagpatay) simula 2006 kung kailan waland death penalty.
Fake
Mapipigilan ng death penalty and krimen.
Fact
Walang matibay na pag-aaral na nagpapatunay ng epekto ng death penalty sa paglaganap ng krimen. Higit na nakapipigil sa paggawa ng krimen ang katiyakang mahuhuli ang gagawa nito.
Sa pag-aaral na nilahukan ng 150 pamilya ng biktima, 2.5% lamang ang nagsabing sila ay naghilom matapos bitayin ang akusado, 20% ang tahasang nagsabing hindi sila naghilom.
Sa death penalty, dehado ang mahirap.
1. 88.1% ay may trabahong mababa ang sahod (halimbawa, namamasada, trabahador sa konstruksyon o bukid)
2. 73.1% ay kumikita ng mas mababa sa Php 10,000 kada buwan.
3. 44.9% ay hindi nakatuntong ng high school.
Pinagmulan: Mga bilanggong nasa death row (Survey ng Free Legal Assistance Group (FLAG) noong 2004.
Napakaraming maling conviction sa mga death sentences noon. Sa kasong People vs. Mateo, sinabi ng Korte Suprema na sa nirepaso nilang 907 kasong hinatulan ng death penalty mula 1993-2004, 71.77% o 651 ng nahatulan ay hindi dapat napatawan ng death penalty.
Pinagmulan: @chrgovph via JJCICSI, IQF 5
Fake
Nagbibigay ng katarungan ang death penalty.
Fact
Hindi nagdadala ng paghilom sa pamilya ng biktima ang pagbitay sa akusado. Posibleng magkamali rin ang paghatol sa akusado.
Sa China
Sa kabila ng parusang pagbitay, patuloy na tumaas ang mga kasong may kinalaman sa illegal drugs – dumoble pa nga mula 2006 at 2011. 31,350 nuong 2006 at 69,751 nuong 2011.
Pinagmulan: @chrgovph via JJCICSI, IQF 5
Sa Iran
Bilang ng binitay dahil sa krimeng may kinalaman sa illegal drugs:
2010: 409
2011: 509
2012: 439
2013: 331
2014: 367
2015: 642
2016: 296
Sa kabila nito, nananatiling mahigit 2 milyon ang drug users noong 2015 sa Iran.
Fake
Lulutasin ng death penalty ang problema sa illegal drugs.
Fact
Batay sa mga datos mula sa ibang bansa, walang malinaw na ugnayan ang death penalty at pagbaba ng krimeng kaugnay sa illegal drugs.
No Comment to " Fact vs. Fake tungkol sa death penalty sa Pilipinas "