Mandatory Philhealth Coverage sa lahat ng Senior Citizens
On Philhealth
Mandatory Philhealth Coverage sa lahat ng Senior Citizens
Mayroon pa bang ibang benepisyo na maaaring matamasa ang miyembro ng Philhealth maliban sa pagkaka-ospital o in-patient na pagpapagamot?
Mayroon. May mga benepisyo para sa out-patient na mamalagi sa ospital nang di hihigit sa 24 oras katulad ng cataract extraction, mga konsultasyon at gamutan sa mga dialysis centers, ambulatory surgical clinics, laboratory o diagnostic na klinika.
May malaking diskwento rin sa mga bakuna para sa influenza at pneumonia para sa mga senior citizens na ibinibigay sa mga Phihealth-accredited na pampublikong ospital.
Sapat na ba ang Senior Citizen ID mula sa OSCA upang makatanggap ng mga benepisyo ng Philhealth?
Oo, katulad sa Social Pension Program, ang Senior Citizens ID mula sa OSCA ang pangunahing dokumento na magpapatunay ng karapatan ng indibidwal sa benepisyo ng Philhealth. Gayunpaman, ang nakatatanda ay hinihikayat na makapagpasa ng Philhealth Membership Registration Form (PMRF) upang siya ay maitala sa database ng Philhealth. Ang PMRF din ang magiging batayan sa pagbibigay ng Philhealth ID Card sa senior citizen.
Ano ang mga halimbawa ng sakit ng mga nakatatanda na karaniwang kasama at ang maximum
coverage o halaga ng bawat sakit?
Uri ng benepisyo: Out-patient
Uri ng sakit/Paggamot
1. Cataract Extraction Php 16,000 – halaga bawat sakit o maximum coverage
2. Hemodialysis – Php 2,600 per session
Uri ng benepisyo: In-patient
Uri ng sakit/Paggamot
1. Pneumonia (moderate riks) – Php 15,000 halaga bawat sakit o maximum coverage
2. Pneumonia (high risk) – Php 32,000
4. Stroke – Php 28.000
5. Stroke (Hemorrhagic) – Php 38,000
Uri ng benepisyo: Z-Benefit (Serious Illnesses)
Uri ng Sakit/Paggamot
1. Kidney Transplant (low risk) – Php 600,000
2. Coronary Artery Bypass – Php 550,000
Gaano katagal ang pagbalik/reimburse/refund ng Philhealth sa mga nagastos sa pagpapagamot?
Ang proseso ng pagbabalik ng pera o hospital reimbursement para sa paggamot sa pasyente na sakop naman ng benepisyo ng Philhealth ay aabot ng aninnapung (60) araw.
Ano ang “no balance billing,” at sino ang maaaring makinabang sa benepisyong ito?
Ang partikular na benepisyong ito ay para sa mga ginastos sa pagpapa-ospital na kung saan ang pasyente ay walang binabayaran. Ito ay binibigay lamang sa indigent at/o “sponsored” members ng Philhealth.
Maari bang makakuha ng senior citizens discount at VAT exemption kasama ang Philhealth coverage?
Oo. Siguraduhin na mauunang ibawas ang 12% VAT at 20% Senior Citizen (SC) o Persons with Disability (PWD) discount sa kabuuang bayarin bago ibawas ang benepisyong Philhealth ng miyembro.
Ano ang kinakailangang dokumento bilang patunay upang makatanggap ang isang pasyente ng
benepisyo mula sa Philhealth?
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Membership Data Record
2. OSCA-issued Senior Citizen’s ID
3. Philhealth Identification (ID) Card
Paano ang pag compute ng 12% VAT, 20% Senior Citizens Discount, at Philhealth Benefits?
Halimbawa:
Total Bill 10,000.00
Less: 12% VAT – 1,200.00
= 8,800.00
Less: 20% SC – 1,700.00
= 7,040.00
Less: Philhealth – 5,000.00
SC Co-Payment = 2,040.00
Bagaman maaaring gamitin ang Senior Citizen ID mula sa OSCA upang makasama sa Mandatory Philhealth Coverage, kinakailangan pa ring magpasa o magsumite ng kumpletong Philhealth Membership Registration Form (PMRF) para maitala ang kanilang impormasyon sa database ng Philhealth.
Sa kasalukuyan, ang mga lokal na opisina ng Philhealth ay nagbibigay ng Philhealth ID cards sa “walk-in” na Senior Citizens na magpapatala para maging miyembro.
Pinagmulan: CHR Philippines | @chrgovph
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mandatory Philhealth Coverage sa lahat ng Senior Citizens "