Ano ang spot check sa panahon ng COVID-19?
On Krimen
Ano ang spot check?
Maaaring isailalim sa spot check ang isang tao kung makikita ng pulis na kahinahinala ang kanyang mga ikinikilos at maaaring isiping sangkot siya sa krimen; kung siya ay may bitbit na kahina-hinalang bagay o baril; kung siya ay naroon mismo at malapit sa pinangyarihan ng krimen; kung alam ng pulis ang pagkakasangkot ng tao sa kriminal na gawain; o kung siya ay tumakbo pagkatapos tawagin ang kanyang pansin ng pulis dahil kahina-hinala ang kanyang kilos o gawain.
Karaniwang mga patakaran sa pagsasagawa ng spot checks na dapat mong malaman:
1. Magpakilala na siya ay isang pulis at kung hindi siya nakasuot ng uniporme, dapat niyang sabihin ang kanyang pangalan kasabay ng pagpapakita ng kanyang ID at Tsapa.
2. Magalang sa lahat ng oras at ipaalam ang iyong pangalan at tirahan upang mawala ang kanyang paghihinala sa iyo at hindi ka dapat tanungin ng matagal na hindi ayon sa kaparaanan ng batas.
3. Maaaring magalang na hindi ka sumagot sa mga tanong ng pulis habang ikaw ay nasa spot check at
4. Ang hindi mo pagsagot sa mga tanong ng pulis ay hindi dapat dahilan upang ikaw ay arestuhin nang dahil lamang duon.
Pinagmulan: Commission on Human Rights
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang spot check sa panahon ng COVID-19? "