Ang Social Amelioration Program (SAP) ay isang pangangalagang panlipunang programa at hakbang ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang makatulong na mapagaan ang epekto sa lipunan at kabuhayan ng krisis pangkalusugan na COVID-19.


Upang makabangon ang ating bansa sa nasabing pandemic, umiral ang bayanihan at nagtulong-tulong ang pamahalaan, pribadong sektor, at mga stakeholders sa paghatid ng SAP para sa lahat ng mga apektadong sektor, lalong-lalo na ang mga maralita at mga lubos na nangangailangan.


Ito ang kwento ng ating mga natulungang mga kababayan, Ito ang kanilang kwentong SAP.


Nanay Marcelina
Silago, Southern Leyte
“Parang birthday gift sa akin ang ayuda na nakuha ko mismo sa kaarawan ko”


Marites Abrea
Barangay Fortune, Marikina City
“Malaki ang maitutulong nito sa aking pamilya. Ipambili ko ito ng bigas, gamot at gatas at bitamina na itinuturing kong pinaka-esensyal ngayon panahon ng ECQ”


Tatay Robert
Dulag, Leyte
“Isa akong tricycle driver, malaki ang maitutulong nito para sa aming pang araw-araw na pangangailangan lalo na ngayong mahina ang aking kita mula nang ipatupad ang quarantine”


Clifford Quinto
Overseas Filipino Worker, jeddah, Saudi Arabia
“Magandang araw po sa inyong lahat ako po uli si Cliford Quinto ofw dito sa Jeddah at stranded na ng 2 months and 12 days, gusto ko lang po magpasalamat sa inyong tanggapan na ngayung araw ay natanggap na po ng asawa ko at anak ko po yung Php5500 from dswd malaking tulong po ito sa amin dahil sa wala na akong naipapadala sa kanila dahil sa wala na akong trabaho, maraming maraming salamat po sa pagbigay pansin at agarang action sa aking problema. Ngayon ko po napatunayan na may gobyerno na handang tumulong po sa aming ofw, isa nalang po ang aking panalangin na sana makauwi na kami sa aming pamilya na ligtas. Muli maraming salamat pio sa inyo.


Irene V. Sabong
Barangay Navotas West, Navotas City
“Hindi lamang ito pera, kundi ito ay tulong upang maitawid ang pang araw-araw naming buhay sa gitna ng ECQ na ito”


Mungkahing Basahin: