Ano ang ReliefAgad App?
Ang ReliefAgad ay isang website at mobile application na bahagi ng tugon o inisyatibo ng pamahalaan upang mas mapabuti at mapabilis ang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng DSWD.
Ano ang layunin ng ReliefAgad App?
Ang ReliefAgad App ay ginagamit upang mapabilis ang pagrehistro ng mga benepisyaryo ng SAP na kasalukuyang may hawak ng Social Amelioration Card (SAC) form. Sa pamamagitan nito ay mas mabilis ang magiging balidasyon kung kwalipikado sila sa SAP.
Maliban dito, ang ReliefAgad App ay mayroong interface sa iba’t ibang electronic payment systems na maaaring magamit sa pangalawang bahagi ng pamimigay ng ayuda alinsunod sa alituntunin ng programa at opisyal na kasulatan na ilalabas ng Pangulo patungkol sa nasabing pangalawang bahagi ng ayuda.
Para saan ang ReliefAgad App?
A. Pagrerehistro ng mga benepisyaryo ng SAP na kasalukuyang may hawak ng Social Amelioration Card (SAC) form. Sa pamamagitan nito ay mas mabilis ang magiging balidasyon kung kwalipikado sila sa SAP.
B. maliban dito, ang ReliefAgad App ay mayroong interface sa iba’t ibang electronic payment systems na maaring magamit sa pangalawang bahagi ng pamimigay ng ayuda.
C. Layunin din ng ReliefAgad na maiparating sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang ayuda sa pinaka mabilis at pinakaligtas na pamamaraan sa pamamagitan ng e-wallet account tulad ng GCash o PayMaya, o alinman sa 58 bangkong kasapi ng PESONET.
Benepisyaryo ako ng SAP na nakapagrehistro sa ReliefAgad app nung panahon na nasa pilot run sa NCR pa lang ang programa. Kailangan ko pa bang magrehistro muli?
Hindi na.
Kabilang ako sa dapat makatanggap ng cash assistance mula sa SAP ngunit wala akong SAC form. Maaari ba akong mag rehistro sa ReliefAgad app?
Hindi. Ang mga may SAC forms lamang ang maaring magrehistro.
Maari bang ipagamit o ibigay sa akin ng LGU ang mga sobrang SAC forms na ginamit sa first tranche?
Hindi maaring gamitin ang mga sumobrang SAC forms sa LGU noong first tranche. May SAC forms na may ibang code na ibibigay para sa mga Additional Beneficiaries na makatatanggap ng ayuda.
Kailangan bang magrehistro ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa ReliefAgad?
Hindi na.
Hanggang kailan bukas ang registration ng ReliefAgad?
Sa ngayon ay wala pang deadline. Gayunpaman ay hinihikayat ang lahat na may hawak ng SAC forms na maagang magrehistro upang hindi na masabay sa bugso ng pagrerehistro mula sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa ibang lugar.
Hindi ako nakapag-register sa ReliegAgad, hindi na ba ako makaka-receive ng 2nd tranche?
Bagamat hinihikayat ang lahat na magrrehistro sa ReleifAgad upang mas mapabilis ang pagbibigay ng ayuda, ang mga hindi nakarehistro ay maaari pa ring makatatanggap ng 2nd tranche.
Pinagmulan: DSWD @dswdserves
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang ReliefAgad App? "