Ano ang 4Ps?
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay programa ng pambansang pamahalaan na ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development.
Pinagtibay ang programa sa pamamagitan ng pagsasabatas nito bilang Republic Act 11310.
Ayon sa batas, ang 4Ps ang magiging pambansang stratehiya upang mabawasan at kalaunan ay puksain ang kahirapan sa ating bansa.
Ang 4Ps ay namumuhunan sa human capital ng mga mahihirap na sambahayan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa aspeto ng kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga kasapi ng programa.
Nagbibigay din ang programa ng psychosocial at psycho-education intervention sa pamamagitan ng Family Development Session, bilang gabay sa unti-unting pag-unlad at pagpapatatag ng kanilang pamumuhay.
Ang pantawid pamilyang pilipino program o 4Ps ay inilunsad noong 2008.
Ang 4Ps ay isang human capital development program ng national government na tumataya sa kalusugan at edukasyon ng mga batang may edad 0-18 taong gulang mula sa mga pamilyang nasa laylayan, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng cash grants, upang matulungan silang makatawid mula sa kahirapan.
Simula noong 2008 hanggang June 2021, ang 4Ps ay nakatulong na sa halos 5.21 milyong tahanang benepisyaryo. Ang 4,471,269 (85.71%) ng benepisyaryo ay nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng cash card habang ang natitirang 745,276 (14.29%) ay naging benepisyaryo naman sa pamamagitan ng over-the-counter na pagbabayad.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang 4Ps? "