Mga katanungan ukol sa SAP
Sa Terminal, Habang naghihintay si Teresa ng Bus.
Teresa: Manong Juan!!!…
Teresa: Manong Juan, bakit bihis na bihis po kayo? Saan naman ang lakad mo ngayon?
Manong Juan: Pupunta sana ako sa DSWD. May nagsabi kasi sa akin na doon daw magpalista para sa Social Amelioration Program.
Teresa: Ang DSWD ay hindi po tagalista ng benepisyaryo para sa SAP.
Manong Juan: Hindi sa DSWD?! Eh, saan ako magpapalista?
Teresa: Pumunta sa inyong barangay at doon magpalista. Ang mga barangay officials ay inatasang maglista at magsagawa ng house-to-house para magbigay ng Social Amelioration Card (SAC) para sa bawat mahihirap na pamilya na may mga miyembro na nasa vulnerable na sector.
Manong Juan: Lahat ba ng binibigyan ng SAC ay makakatanggap ng Php 6000?
Teresa: Hindi po. Ang LGU o Local Government Unit sa pamamagitan ng CSWDO/MSWDO at sa tulong ng mga inatasang barangay officials ay magsusuri sa mga pamilya kung talagang kwalipikado ang mga ito ayon sa patnubay ng DSWD.
Manong Juan: Teka, teka, nalito ako, ang DSWD at ang CSWDO/MSWDO ba ay hindi iisa?
Teresa: Hindi po. Ang DSWD ay nasyonal na ahensya na responsable sa pangangalaga ng karapatan ng bawat Pilipino sa kagaligang panlipunan at sa pagpapayabong ng pag-unlad ng lipunan. Ito rin po ay nagbibigay ng tulong teknikal sa mga PSWDO/CSWDO/MSWDO.
Manong Juan: Ahhhhh, akala ko kasi lahat ng nasa munisipyo namin taga DSWD na. Kung gayon. ano ang tungkulin ng DSWD sa SAP?
Teresa: Ang DSWD ang maglilipat ng pondo sa local na pamahalaan. Magsasagawa sila ng validation sa loob ng 15 araw pagkatapos matanggap ang mga dokumento mula sa LGU para malaman kung ang mga nakatanggap ba ay karapat dapat o meron bang pagdoble sa mga benepisyo na ipinagkaloob.
Teresa: Ang LGU, kasama na ang barangay, ang naatasang magbigay ng pera sa benepisyaryo.
Manong Juan: Ahhhh, maliwanag na ang lahat sa akin. Maraming salamat po.
Teresa; Walang anuman.
Manong Juan: O sige po, mauna na ako, magpapalista na ako sa barangay namin.
Teresa: Sige po, mag-ingat kayo.
The end…
Pinagmulan: DSWD Western Visayas @dswdfo6
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mga katanungan ukol sa SAP "