On
Mga pagkakataong maaring gawin ang warrantless search o seizure

Kadalasan, dapat may warrant o utos ng korte ang paghalughog ng mga awtoridad sa iyong mga gamit.
Ang walang warrant na paghalughog ay kaugnay sa pag-aresto ng tao.
Ilang mga sitwasyon na maaaring isagawa ang paghalughog o pagsamsam nang walang warrant o utos ng korte:

1. Kung ang samsamin na ebidensiya  laban sa iyo ay kitang-kita o plain view. Sa ilalim ng plain view doctrine, ang lahat ng mga bagay na lantarang nakikita  ng mga awtoridad ay maaaring samsamin at gawin na ebidensiya laban sa iyo. Ang plain view doctrine ay maaaring gamitin sa ilalim ng mga sumusunod na sitwasyon:

a.) Kung ang pulis at ano mang awtoridad na naghahalughog ay may paunang permiso mula sa hukuman na gawin ang paghalughog;

b.) Kung ang ebidensya ay aksidenteng nadiskubre at nakita ng pulis na nandoon sa lugar;

c.) Kung nakasisiguro ang pulis na ang bagay na kanyang nakita ay ebidensiya sa paggawa ng krimen tulad ng mga kontrabando at iba pa; at

d.) Ang plain view ay para lamang sa pagsamsam ng ebidensya at hindi sa paghalughog  ng iba pang bagay.

2. Kapag ang sasakyan ay pinahinto at isinailalim sa malawakang  paghalughog, ito ay maaaring gawin lamang kung ang opisyal na naghahalughog ay may inaakalang mabigat na dahilan o probable cause para maniwala bago ang paghalughog na ang motorista ay may ginawang paglabag sa batas o makakahanap ng ebidensya kaugnay sa paggawa ng krimen sa sasakyan na hahalughugin;

3. Kung pumayag sa paghalughog kahit walang warrant;

4. Kung ito ay customs search;

5. Kung stop-and-frisk o ang panandaliang pagtigil sa kahinahinalang indibidwal para kapkapan upang malaman kung ito ay may tinatagong armas, droga, o ano pa mang bagay na delikado; at

6. Kung sakaling kakailanganin ng kaligtasang pambayan.

Pinagmulan: Commission on Human Rights | @chrgovph

Mungkahing Basahin: