On
Ano ang visual search?

Ang visual search ay ang inspeksyon na isinasagawa sa checkpoint tulad ng pagtutok ng ilaw ng flashlight sa loob ng sasakyan, at ang mga lulan nito ay hindi kinakapkapan. 

Kung ikaw ay nasa checkpoint

Sinabi ng Korte Suprema na “kung sakali ang karapatan ng mamamayan ay nilabag habang nasa checkpoint, sila ay dapat mapangalagaan ng batas.

Ang militar o awtoridad ay hindi sumasaibabaw sa batas. At dapat tiyakin ng mga hukuman na ang batas ay sumasaibabaw sa lahat. Sakaling ang mga militar kasama ang mga opisyal na nagbabantay sa checkpoint ay nang-abuso ng kanilang kapangyarihan, dapat managot sila sa batas. Ang kaisipan na ito ay dapat pinapaunawa at pinapaintindi sa mga militar ng pamunuan ng sandatahang lakas.

Ayon din sa Korte Suprema, kadalasang hindi ipinagbabawal ang pagsasagawa ng checkpoint hanggat ang loob ng sasakyan ay hindi hinahalughog o ang pasahero nito ay hindi kinakapkapan at ang inspeksyon ay limitado lamang sa pagtingin o visual search.

Ano ang mga ipinagbabawal na gawin ng mga awtoridad sa checkpoint?

Kung walang sapat na dahilan upang magsagawa ng masinsinang paghahalughog, ang mga autoridad ay:

1. Hindi maaaring pilitin ang mga pasahero ng sasakyan na bumaba at lumabas ng sasakyan;
2. Hindi maaaring kapkapan ang mga pasahero; at
3. Hindi maaring pilitin na buksan ang sasakyan.

Bilang pagsunod sa pagpapatupad ng community quarantine, payo ng Commission on Human Rights na magdala ng mga sumusunod upang maiwasan ang pagpigil sa checkpoint sa labas ng iyong bahay:

1. Identification Card na nagpapatunay na ikaw ay kasama sa mga “essential workers” at frontliners;
2. Authorization letter mula sa kompanya na iyong pinagtatrabahuhan; at/o
3. Quarantine Pass.

Pinagmulan: Commission on Human Rights

Mungkahing Basahin: