Sino si Feliciano Jocson?

Lider Katipunero, parmasyutiko, at nagpatuloy ng pakikibaka sa kabila ng Kasunduang Biyak-na-Bato, hindi malinaw ang ulat sa kapanganakan at kamatayan ni Feliciano Jocson (Fe·lis·yá·no Hók·son).


May nagsasabing isinilang siya noong 9 Hunyo 1968 sa Quiapo, Maynila at nahinto ng pagaaral dahil sa kahirapan. Ngunit nagsikap siyang kumita at nakapagtapos ng parmasya noong 1895 sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtayo siya ng botika sa Escolta at nang maging miyembro ng Katpiunan ay naging pook pulungan ito ng kilusan.


Noong Nobyembre 21, 1898, kasama ni Jose Alejandrino, nagprisinta sila kay Aguinaldo sa Kawit at naatasang humanap ng armas.


Nagpunta siya sa Hong Kong at nagsimula ng mga pagsisikap mag-ismagel ng armas, na pawang nabigo. Noong Abril 1897, nagpunta siya sa Maragondon at sumama sa pangkat ni Bonifacio. Pagkamatay ni Bonifacio, hiniling niya kay Aguinaldo ang pagtatatag ng isang gobierno departmental sa Gitnang Luzon na binubuo ng Tayabas, Laguna, Morong, Maynila, Bulacan, Nueva Ecija, at Bataan at siya ang secretario de fomento.


Nagsilbing pangulo si Padre Pedro Dandan, pangalawang pangulo si Anastacio Francisco, sekretaryo ng tesorerya si Paciano Rizal, sekretaryong panloob si Teodoro Gonzales. Noong Disyembre 1897 at mapagtibay ang Kasunduang Biyak-na-Bato, isa si Jocson sa tutol sa kasunduan. Bumalik siya sa Kalookan at nagpundar ng salakay sa Maynila noong Marso 1898. Nabigo ang plano at halos nasawi ang mga alagad niya.


Tumakas siya sa Laguna at doon nadakip ng mga alagad ni Heneral Pio del Pilar na puno na noon ng guwardiya sibil. Nangako si del Pilar kay Paciano na hindi isusuko si Jocson sa mga Espanyol. Ngunit hindi na nakitang muli si Jocson.


May ulat na pataksil siyang pinatay noong 4 Mayo 1898.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr