El Nido
Ang ekosistema nito ay nangangalaga sa mga talampas na 230 milyon taóng gulang, 888 species ng isda, 447 species ng korales, 114 species ng ibon, limang uri ng pagong, at 2, 645 ektarya ng bakawan.
May tatlong malalaking pook ito ng paghuhukay arkeolohiko sa Yungib Pasimbahan sa Bgy New Ibajay, nakabukas na paghuhukay sa Bgy Sibaltan, Ille Rockshelter sa Bgy New Ibajay.
Lumilitaw sa paghuhukay na tahanan na ito ng mga tao 12,000-14,000 taon na ang nakalilipas. Sinasabing Talindak ang unang nakarekord na pangalan ng El Nido, at tumutukoy sa komunidad ng mga Tagbanwa sa kasalukuyang Sityo Langeb-Langeban ng Bgy Aberawan.
Noong 1890, pinangalan itong Bacuit ng mga Espanyol, at naging isang baryo sa munisipalidad ng Taytay, ang kabesera ng dating probinsiya ng Calamianes.
Noong 1916, ang Bacuit ay naging isang munisipalidad. Noong 17 Hunyo 1954, sa bisa ng Batas Republika 1140, ang bayan ay pinangalanang El Nido, tawag sa mga pugad ng ibong matatagpuan sa matatandang talampas at paboritong gawing sopas ng mga Tsino.
Ang El Nido ay Espanyol sa “Ang pugad.”
Noong 1982, isang maliit na resort ang itinayo ng pamilyang Gordon sa islang Pangalusian. Namatay ito pagkatapos nang ilang taon. Isang dive resort naman ang itinayô sa islang Miniloc noong 1983. Noong 1984, iniatas ng pamahalaan ang santuwaryo ng pawikan sa El Nido at pinalawak ito sa isang reserbasyon noong 1991.
Noong 1998, itinatag ang El Nido-Taytay Managed Resource Protected Area. Nagsimulang umakit ng turista ang El Nido, lalo na nang isapelikula dito ang Amazing Race noong 2004 at ang Survivor noong 2007.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " El Nido "