May pantalan na ang San Fernando, El Nido, Palawan!
May pantalan na ang San Fernando, El Nido, Palawan!
NOON, mabagal ang takbo ng kalakal at turismo sa San Fernando, El Nido, Palawan, dahil walang dedicated port na magdurugtong nang maayos sa lugar, at mga growth centers at tourism hubs.
Noong taong 2019, walang dedicated port ang San Fernando, El Nido, Palawan.
Ngayong taong 2021, 100% complete na!
Mayroon ng bagong-bago, matibay, at magandang port ang lugar.
Kaya naman, noong Abril 2019, sinimulan ang port development project dito, na pinangunahan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa pamumuno ni GM Jay Daniel Santiago, at sa ilalim ng paggabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
NGAYON, may maipagmamalaki na ang ating mga kababayan sa San Fernando, El Nido, Palawan, dahil mayroon na silang BAGO, MATIBAY, at NAPAKAGANDANG daungan, na makatutulong sa daloy ng kalakal at turismo mula at papunta sa El Nido.
May kakayahan na rin itong tumanggap ng mga Ro-Ro vessel at iba pang malalaking sasakyang pandagat, dahil sapat na ang pasilidad ng pantalan.
Opisyal na natapos ang proyekto noong Nobyembre 2019, at pinasinayaan na rin ito ‘virtually’ noong ika-12 ng Hunyo 2020.
Pinamulan: @DOTrPH
Mungkahing Basahin:
No Comment to " May pantalan na ang San Fernando, El Nido, Palawan! "